Abante Tonite Interactive

FM Elorta sinilo ang korona

By
95

Hindi namantsahan si FM David Elorta kaya nasilo nito ang korona sa katatapos na 2nd Canon Carlsen Kasparov Chess Club’s Weekly Open Ra­pid Chess Tournament (Open division) sa City Mall, Imus, Cavite.

Umiskor si Elorta ng 6.5 points mula sa six wins at draw sapat upang maghari sa se­ven-round tournament.

Nauwi ni Elorta ang top purse na P10,000 at medal sa one-day event na inorganisa ng Canon Carlsen Kasparov Chess Club at pakikipagtulu­ngan nina arbiters Boyet Tardecilla, Israel Landicho, Byron Villar at Rey Jay Pascual.

Kinalos ni Elorta sina Clark Kaeron Kwan, Neil Conrad Pondoc, National Master Emmanuel Emperado, Gabriel Paril, FM Nelson “Elo” Mariano III at Jerry Areque habang nakipaghatian ng puntos kay Mark Jay Bacojo sa seventh at final round.

Nakopo naman ni engineer Arjoe Loanzon ang second overall at ibinulsa ang P5,000 at medal habang si Mark Jay Bacojo ay tumapos ng 3rd para mahamig ang P3,000 at medal.

Ang iba pang nakapasok sa Top 10 ay sina Jones Maghuyop, NM Roland Joseph Perez, IM Barlo Nadera, Pondoc, John Edieson Gerez, Areque at NM Marlon Bernardino.