Abante Tonite Interactive

FOI paiiralin sa Pasig

208

Makikita na ang Freedom of Information (FOI) kiosk sa loob ng city hall habang kumpletong mga information material at collateral naman ang oobligahin sa mga public libraries sa Pasig City.

Ito ay matapos lagdaan nina Pasig City Mayor Victor Ma. Regis ‘Vico’ Sotto at Pre­sidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Kristian Ablan ang memorandum of understanding (MOU) para sa implementasyon ng FOI Program sa mga pampublikong silid-aklatan sa lungsod.

Ang FOI Philippines ay isang online portal na magagamit sa mga libraries at information booth upang malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa pamahalaan at kung nais na makilala ang mga opisyal ng Pasig City.

Sa ilalim ng MOU, maghahain ang FOI Philippines sa mga pampublikong silid-aklatan sa Pasig ng mga information material at collateral habang ang naturang city go­vernment ang maglalaan ng mga compu­ter na gagamitin bilang FOI kiosks para sa publiko.

Nabatid na ang Pasig City ang kauna-unahang lungsod sa Metro Manila na magkakaroon ng FOI ordinance. (Vick Aquino)