Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fonacier, Cavitex nanilat

0 38

Si Larry Fonacier ang nagpatikim sa TNT ng unang talo sa 1st PBA 2021 3×3 Lakas ng Tatlo second leg.

Winalis ang pitong laro sa first leg para itaas ang maiden title noong Linggo, dumalawang sunod muna ang Troang Giga sa Day 1 ng second leg nitong Miyerkoles.

Balik sa lupa ang Tropa nang tumukod kina Larry Fonacier, AC Soberano, Kyles Lao at Earnest Reyes ng Cavitex Braves 20-19.

Sumagasa ng 10 points si Fonacier laban sa dating team.

Unang biktima ng TNT ang Zamboanga Valientes 21-18 sa likod ng 13 points ni Almond Vosotros sa unang laro sa Ynares Sports Arena-Pasig.

Isinunod ng Tropa ang Sista Super Sealers 21-17 bago ang San Miguel Beermen 21-12.

Sa Pool A, tulad ng TNT ay 3-1 din ang Super Sealers sa mga panalo sa Cavitex (22-16), Valientes (22-18) at SMB (21-19). Naglista ng 11 points si Kenneth Mocon kontra Beermen.

Namamayagpag sa Pool C ang Pioneer Pro Tibay (2-0) sa mga panalo sa Purefoods TJ Titans (21-20) at NorthPort (22-12). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.