Abante Tonite Interactive

Fonacier dineretso ang tulong sa bawat bahay

607

Nanindigan ang mag-asawang Larry at Lora Fonacier na magdo-donate sila direkta sa mga nangangailangan ng ayuda, mga taong naapektuhan ng coronavirus disease 2019.

May ulat na hinihimok ng pamahalaan ang lahat na ibigay ang anumang donation sa national government, Department of Health o Office of Civil Defense.

“No thanks. We donate directly,” pakli ni Fonacier.

May dagdag na paliwanag ang veteran sniper ng NLEX sa kanyang pananaw.

“(Maam) with regards to donations and distributions, it’s the government’s prerogative what to do with them and I respect that,” sagot niya sa isang tweet. “Please understand the sentiment of the people in this time of crisis; if they’d rather give directly, you can’t really blame them.”

Marami raw paraan para makapag-abot ng cash donation nang hindi lumalabas ng bahay.

Si Lora, sinuportahan ang asawa.

“Why did so many people take offense? We literally just prefer to donate directly,” aniya. “There are so many initiatives by friends and private citizens that are worth supporting and who get donations to those who need them fast.” (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad