Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fonacier iaangas NLEX

0 137

Nakuha na ni Larry Fonacier ang slot niya sa NLEX.

Kasama ang pangalan ng veteran wingman sa 15-man lineup ng Road Warriors para sa Philippine Basketball Association Season 47 Philippine Cup sa Hunyo 5.

Sa edad 40, marami pang pahihirapan ang gunner na produkto ng Ateneo.

Dalawang taon nawala si Fonacier sa NLEX, pero naglaro sa 3×3 team Cavitex Braves.

Naka-kondisyon na kaya kinuhang muli ni coach Yeng Guiao.

Alam na ni Fonacier ang magiging role niya.

SM food to go Banner Ad

“Whatever I can do to help and teach the kids on how to manage playoff games,” aniya Martes.

Naka-back-to-back trips sa playoffs noong nakaraang season ang Road Warriors, pero kinapos.

Walang rookie sa roster si Guiao, hindi pa rin makakasama si Kiefer Ravena.

Si Matt Nieto lang ang wala pa, 80 percent na ang recovery mula calf injury na nakuha sa Governors’ Cup semis.

Sasalang ang NLEX sa PH Cup sa Hunyo 8 ng alas-3:00 ng hapon kontra Terrafirma bago ang magpang-abot sa alas-6:00 ng gabi ang San Miguel Beer at Phoenix Super LPG. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.