Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fonacier, NLEX suki sa semis

0 79

PARA kay comebacking veteran Larry Fonacier, hindi masamang mag-set ng misyon ang NLEX na maging regular na player sa semifinals ng bawat PBA conference.

Makarating sa final four, makalusot lang ay papalaot na sa Finals sa unang pagkakataon ang Road Warriors.

“Semis should be a regular goal from here on,” anang 40-year-old gunner. “I think it’s enough to ask that from the team.”

Wala pang garantiya na makakapasok sa final roster si Fonacier, pero nakikipag-workout sa team. Ayon kay coach Yeng Guiao, malaki ang tsansa na masama ang gunner kapag nakondisyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglaro muna si Fonacier sa inaugural conference ng PBA 3×3 para sa team ng NLEX na Cavitex Braves bago ni-recall ng Road Warriors sa 5-on-5 squad.

Wala si Kiefer Ravena na naka-leave at naglaro sa Japan B.League, nakarating hanggang best-of-five semis ang NLEX nitong nagdaang Governors Cup pero sinipa ng eventual champion Ginebra sa apat na laro.

Isang taon ang binigay na leave kay Ravena, pero hindi pa sila naseselyuhan ang usapan kung mababalik na siya sa Road Warriors para sa Season 47. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.