Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fonacier udlot ang balik-PBA

0 51

Hindi naidaos ang salpukang Cavitex Braves at Pioneer Pro Tibay nang hindi makakuha ng medical clearance ang huli mula sa Games and Amusements Board kaugnay ng pagbubukas Sabado ng 1st PBA Lakas ng Tatlo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Idineklarang forfeited ang game ng Pioneer dahil sa posibleng maganap na paglabag sa health and safety protocol na mahigpit na ipinapatupad sa bagong lunsad na torneo ng pro league, daan para ‘di muna masalang si Larry Fonacier sa Cavitex sa pagbabalik-liga mula sa dalawag taong pamamahinga.

Samantala, nagwagi naman ang Terrafirma kontra Ginebra, 21-13, angat ang TNT laban sa Limitless Appmasters, 21-9, bumawi ang Gin Kings pagkaraan sa Sista Super Sealers, 21-16.

Magpapatuloy ang 3×3 ngayong araw. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.