Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Food pack sa QC may P128M tongpats

0 53

Nabisto ng isang mambabatas ang isa pang P128 milyong overpriced na pagbili ng food packs ng pamahalaang Lungsod ng Quezon para ipamahagi sa mga mahihirap na residenteng apek­tado ng COVID-19 pandemic.

Sa dokumentong hawak ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor, lumitaw na pirmado umano ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang purchase order (PO) para sa 250,000 food packs na may presyong P1,149.98 bawat isa kung saan katumbas nito ay kabuuang halagang P287,475,000.

Ngunit lumitaw na nasa P636 lamang ang presyo per pack kung kaya’t may total overprice ito na P128,495,000.

SM food to go Banner Ad

Ang naturang PO ay may petsa umanong Nobyembre 23, 2020 at ang supplier ay LXS Trading, na matatagpuan sa No. 1210 Suntrust Capitol Plaza, Matalino St., Central, Quezon City.

Pangalawa na ito sa nasilip na overpriced purchase ng pamahalaang lungsod ng food packs mula naman sa ibang supplier. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.