Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Foodpanda dedma sa DOLE, sibak rider pinanindigan

0 63

Inamin ng Foodpanda na nanibak ito ng mga rider na nanawagan sa kanilang mga kasamahan na huwag bumiyahe bilang protesta.

“Foodpanda has made the difficult decision to offboard a small number of riders who have viola­ted their agreement with Foodpanda by calling for disruptions that may affect the wider ecosystem,” ayon sa inilabas na pahayag ng kompanya.

Ang desisyon ay ginawa ng Foodpanda sa kabila ng inilabas na kautusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na iimbestigahan ang ginawang paninibak ng kompanya sa kanilang mga rider.

“Foodpanda ‘yung mga kausap mo tao, pa­ngalawa as tao basically as tao may rights ‘yan. And as laborers, workers or employees they also have rights. ‘Wag mo i-threaten ang mga tao… Dapat pa­kinggan mo kung ano ang problema,” ayon pa kay Bello.

SM food to go Banner Ad

“I directed our under­secretary for Labor Relation to immediately conduct an inspection on the operation of Foodpanda. Wala namang silang karapatang mag-threaten. You have to listen, pakinggan mo ano ‘yung problema bakit sila nagpoprotesta”, dagdag pa ng kalihim

Sabi ng Foodpanda, kumuha na ito ng mga bagong rider at nag-onboard ng mga dating rider na pumasa sa kanilang screening.

Ibinuko naman ng 43 rider ng nasabing food app delivery firm na suspendido pa rin ang mga account na muling ibinalik sa trabaho ng Foodpanda ang mga rider na sinibak nito kapalit umano ng impormasyon laban sa mga nag-aaklas nilang mga kasama.

Dahil dito, sinita ni Akbayan Party-list spokesperson Dr. RJ Naguit ang Foodpanda sa pagpapatupad ng 10 taong suspensyon sa 30 nitong rider sa Davao City noong nakaraang linggo. (Eileen Mencias/Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.