Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Foodpanda, Grab driver marijuana dineliber

0 317

Arestado ng mga pulisya ang Foodpanda at Grab driver sa isinagawang buy-bust operation, sa Malate, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek an sina Ruff Anthony Ricana, 22, Foodpanda driver at Hectoe Aemada Jr., 24, Grab driver.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa isang alyas ‘Novel’ at mga kasabwat nito sa may Esguerra St., Singalong Malate na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang food delivery driver.

Sa halip na pagkain, marijuana ang idineliver ng dalawa sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, 1 sling bag at 2 tig P100 bill na buy bust money. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.