Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Foodpanda rider binoga ng sikyo

0 523

Patay ang isang food delivery rider matapos itong pagbabarilin ng guwardiya ng bangko na kanyang hinatiran ng order na pagkain, Miyerkoles ng umaga sa Iloilo City.

Dead on the spot matapos magtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima na nakilalang si Jomar Sanchez, foodpanda rider at residente ng Jaro, Iloilo.

Samantala mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril na nakilalang si Argie Solis, tubong Antique, at security guard ng Malayan Bank.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Iloilo City Police, naganap ang insidente Miyerkoles ng umaga, nang maghatid ng order na pagkain ang biktima sa Malayan Bank na matatagpuan sa De Leon Street, City Proper, Iloilo City.

Nabatid na pinatong ng biktima ang order na pagkain sa lamesa ng security guard para kontakin ang nagpa-deliver subalit nagalit umano ang suspek nang makitang nabasa ang kanyang lamesa at ilang dokumentong nakapatong dito.

SM food to go Banner Ad

Humingi naman ng paumanhin ang biktima subalit galit pa rin ang suspek hanggang sa humantong na ang usapan sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay hinugot ng sikyo ang kanyang service firearm na nakita naman ng biktima kaya nagtangka pa itong tumakbo subalit hinabol siya ng suspek at dalawang ulit binaril sa katawan dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang sikyo nang makitang napuruhan niya ang biktima bitbit ang ginamit na baril.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang manhunt operation ng pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.