Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Football boss ban sa pambabastos

0 50

Banned for life na sa FIFA ang Haiti Football Association president na si Yves Jean-Bart nang mapatunayang guilty sa kasong pang-aabuso sa mga babaeng atleta maging sa mga menor de edad.

Ayon sa FIFA, hindi na papayagan pang makisawsaw ang 73-anyos honcho sa soccer-related activities at iba pang aktibidad ng FIFA, kasabay ng pagpataw sa kanya ng $1 milyong multa o katumbas ng higit P48 milyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumitaw sa imbestigasyon, batay na rin sa pahayag ng FIFA, “ginamit ni Yves ang kanyang posisyon para pagsamantalahan ang mga kababaihan kabilang na ang mga minors, na labag sa FIFA Code of Ethics.”

Mariin naman itinanggi ni Yves ang akusasyon at hinamong magsumite ng reklamo ang sinumang nabiktima nito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.