Abante Tonite Interactive

Footbridge ng mambabatas nakahambalang sa kalsada

501

Gusto raw ng mambabatas na mabawasan ang trapik sa kanyang distrito kaya nagpagawa ito ng footbridge.

Tapat kasi ito ng eskuwelahan kaya matrapik kapag pasukan at labasan ng mga estudyante.

Nagkakahalaga ng P16 mil­yon ang pinagawang footbridge, siyempre may ma­laking komisyon dito ang mambabatas.

Ang problema, kinain ang isang linya ng kalsada sa pinagawang footbridge dahil hindi ito maitayo sa sidewalk.

Nagdulot tuloy ito ng pagsikip ng kalsada at naging dahilan ng trapik sa nasabing lugar.

Clue. Ang mambabatas na nagpagawa ng footbridge na nakahambalang sa kalsada ay tabain at may letrang T sa kanyang pangalan.