Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Foreign assisted project sa DPWH pinakakalkal

0 315

Isinumbong ng isang Filipino-Chinese contractor kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III ang umano’y katiwalian sa mga ‘foreign-assisted projects’ sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa mga liham na ipinadala ng isang nagpakilalang Jingxy Fu, ng China Gezhouba Group Corporation Limited, na may tanggapan sa High South Corporate Tower, 26th St., corner Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City, sa Office of the President noong Hulyo 16, 2020 at sa tanggapan ni Sotto, noong Hulyo 20, 2020, sinabi nito nais niyang ipabatid sa mga opisyal ang aniya’y ‘severe syndication and corruption’ sa mga foreign assisted projects ng DPWH.

Partikular na tinukoy nito ang Rio de Grande Mindanao project na nagkakahalaga ng P30,322,381,952.44.

Ani Fu, sa isang pre-bidding, nilapitan umano sila ng Sinohydro Corp. of China at sinabihan na ang proyekto ay para sa dalawang China Construction Company dahil naglabas na sila ng 2% cash advance para dito.

Inimpormahan pa umano sila na ang lock-in fee nito ay 15% ng halaga ng proyekto kaya’t labis anila ang kanilang pagsisisi na nagbayad sila ng P300 milyon.

Hiniling rin niya sa pangulo at sa senador na maimbestigahan ang isyu.

“Dear senator we ask for your help to investigate this matter because the ODA BARMM Projects is for their favored Chinese engineering firms,” hiling nito.

Nabatid na naka-attached din sa liham na ipinadala ni Fu sa tanggapan ni Sotto ang mga ebidensiya ng sinasabi niyang korapsiyon na nagaganap sa proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.