Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Foreman dedo sa live wire

0 71

Patay ang isang construction foreman nang makuryente ito sa loob ng engineering office sa Catanauan, Quezon nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Miguel Añonuevo Mariñas, 56, taga-San Pedro City, Laguna.

Batay sa report ng Catanauan Police, nasa loob ng Quezon 3rd District Engineering Office ang biktima at inaaayos ang electrical wire na gagamitin sa kanilang construction nang mahawakan nito ang live wire.

Agad itong nangisay at nagtamo ng mga paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod pa ito sa Bondoc Peninsula District Hospital subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.