Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Forensic exam ng NBI sa labi ni Dacera tapos na

0 167

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tapos na ang isinasagawang forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI) sa katawan ng flight attendant na si Christine Dacera.

” The NBI has completed its forensic examination of tissues obtained from the subject’s remains. It is currently coordinating with the Makati Medical Center on related issues,”ayon kay Guevarra.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang re-autopsy sa bangkay ng 23-anyos na dalaga, susuriin na rin ng NBI digital forensic team ang data sa mga cellphone ng mga persons of interest o POI.

Tumulak ang NBI sa General Santos City upang magsagawa ng re-autopsy para sa hiwalay o parallel investigation na ginagawa ng ahensya. Sa ngayon ay hindi pa nailalabas ng NBI ang resulta ng eksaminasyon sa labi ni Dacera.

Isinailalim na rin sa polygraph test o ‘lie-detector test’ ang 12 POI upang malinawan ang kontrobersyal na kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.