Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Forensic investigation palalakasin

0 77

Isang panukala ang ihahain ni dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin para pabilisin ang paglutas sa mga kaso tulad ng pagpapalakas sa forensic pathology ng bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito’y matapos madismaya ang mambabatas sa hindi maayos na autopsy result at forensic pathology investigation sa kaso ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

Sabi ni Garin, kulang na kulang ang bansa pagdating sa maayos na death investigation system kung kaya’t makabubuti kung palakasin ang forensic pathology na makatutulong sa pagresolba ng mga kasong katulad kay Dacera. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.