Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Forrest Gump sumiklab bago natigil ang karera

0 39

Huling kabayo na nanalo bago natigil ang karera ay si Forrest Gump na nagpakitang-gilas nakaraang Linggo.

Sinakyan ni jockey AS Pare, sinilo ni Forrest Gump ang panao sa Philracom Rating Based Handicapping System na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Lahi nina Striding Ahead at Azucar Turbinada, nirehistro ni Forrest Gump ang 1:30.8 minuto sa 1,400-meter race sa event na suportado ng Phiippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Related Posts

Hinamig ng may-ari ni Forrest Gump ang added prize na P5,000, pangalawang dumating sa meta si Diwalwal habang pangato at pang-apat sina Filipino Emperor at Elita Dominator, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, atat na ang mga karerista na magbaik na muli ang aksiyon sa karerahan.

Kaya naman laking tuwa ng mga karerista nang mabalitaan na nag-anunsiyo na ang Philracom tungkol sa pagbabalik ng operasyon sa karerahan sa Miyerkoles. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.