Abante Tonite Interactive

Fort Santiago sentro ng photography courses

0 123

Dinarayo ng mga gustong matuto ng photography at mga professional photographer ang Fort Santiago kung saan ang Federation of Philippine Photographers Foundation ay nagtuturo ng photo courses.

Makakaasa ang mga magpapatala sa basic photo course na madali nilang matututunan ang photography at higit na mapapalawak ang kanilang kaalaman kung kukuha sila ng mga kurso para sa professional photographer.

Ang photo courses ay para sa mga baguhan na gustong matuto ng photography at sa mga professional photographer na gustong maging bihasa upang makahigit sa kapwa photographer.

Sa mga baguhan, may isang lesson plan upang matutunan nila ang paggamit ng camera at makakuha ng litrato sa loob lamang ng 5 araw o 40 oras. Para sa mga corporate employer, mas maigsing oras sa paggamit ng camera na ang resulta ay tamang pagkuha ng litrato.

Para sa mga professional photographer ay mga special courses upang mapalawak ang kanilang kaalaman at maituturing na ganap na propesyonal.

Gaganapin ang susunod na 5 Sabadong basic photography seminar umpisa sa Marso 16 samantalang ang weekday sa Mayo 13-17. Susunod na advanced course sa Marso 23-24 at 30-31, Video­graphy sa Abril 7 at 14 (2 Linggo), Wedding sa Marso 2 at 3 (Sabado-Linggo), at Cruise Ship Photography, Marso 16 (Sabado).

Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, Tel. 5247576/5280371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.