Abante Tonite Interactive

Fort Santiago sentro ng photography

0 247

Ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang nasa likod ng paglago ng photography sa bansa.

Mahigit sa dalawang dekada ang FPPF ang nagsasagawa ng mga kurso sa photography sa Fort Santiago sa Intrumuros, Manila para sa mga baguhan at professional photographer. Sa mga baguhan, ang Comprehensive Digital Photography kung saan sa loob lamang ng limang araw o 40 oras ay natututo sila sa paggamit ng camera at nakakakuha ng litrato samantalang sa mga special courses ay inilalaan sa mga professional na photographer upang hi­git nilang matutunan ang tamang kaalaman sa photography at mapalawak ang kanilang kakayahan at maituturing na propesyonal.

Ang nagsasagawa ng photo courses ay pa­wang mga batikang photographer mula pa sa mga kila­lang pamantasan sa bansa.

Ang susunod na 5 Sabadong Basic Photo Course ay magsisimula sa Nobyembre 11 samantalang ang Cruiseship Photography ay sa Oktubre 14.

Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, 2nd Floor, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel.
5247576/5240371 o bumisita sa www.photoworldmanila.com.