Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fortune: Kahit sino giba kay Pacquiao

0 317

Kahit sino makabangga, tumba kay Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Ito ang pananaw ng strength and conditioning coach ng eight-division world men’s pro boxing champion na si Justin Andew Fortune ng Australia.

Aniya nitong Linggo, mapa-Errol Spence Jr. ng USA man o Yordenis Ugas ng Cuba ang makatapat ng Pambansang Kamao hindi uubra lalo’t determinadong manalo ang kanyang amo.

“Manny’s good, very good and ready to meet and win over Errol Spence Jr., or Ugas, or whoever crosses his path if only to recapture the championship denied him without throwing a single punch,” paniguro ng 5-foot-9 Australian sa nalalapit na pakikipagbakbakan ng kanyang boss.

SM food to go Banner Ad

Tiniyak din ng Aussie na mula nang dumating si Pinoy ring icon sa Tate ay wala nang puknat ang kanilang ensayo sa pambihirang paghahanda upang mapataob ang sinumang makakalaban.

“We’ve covered all the bases in our efforts to follow to the letter our build up program since Manny and his team arrived here in L.A. last July 5,” panapos na sambit ni Fortune

Nakatakdang magbanatan sina Pacquao at Ugas sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.