Abante Tonite Interactive

Foton coach nangayaw

By
9

Binaklas si Italian Fabio Menta bilang head coach ng Foton, ilang linggo matapos kunin ang serbisyo para gabayan ang team sa 2016 AVC Asian Women’s Club Cham­pionship.

May mga ugong na inalis si Menta dahil hindi makasundo ng players pero ayon sa coach ay nag-resign daw ito.

Ang ibang dahilan ay ang hindi magandang performance ng team.

Sinabi umano ng coach na target ang semifinals, tapos biglang na­ging fifth place na at nang matalo sa Iran ay seventh na lang daw.

Nasa Foton sina Ame­rican reinforcements Lindsay Stalzer at Ariel Usher, Jaja Santiago, Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz at Cherry Rondina.

Nagwagi ang Foton sa opening game kontra Kwai Tsing ng Hong Kong pero hindi na nanalo hanggang sa consolation battle para sa seventh place laban sa T. Grand ng Chinese Taipei.

Si Vilet Ponce de Leon ang humawak sa Foton nang masikwat ang titulo sa Superliga Grand Prix 2015 at runner-up fi­nish sa All-Filipino Conference noong Agosto.