Abante Tonite Interactive

FOTON muling haharurot

6th PSL 2018 Grand Prix: 3rd place

208

Dating namamayagpag sa Philippine Super Liga ang Foton, panangga ang magkapatid na Jaja at Dindin Santiago at may malulupit na imports na sina Lindsay Stalzer at Ariel Usher.

Pero nagbago na ang ihip ng hangin nang mawala sa Tornadoes ang ­Santiago sisters at napirata si Stalzer ng kalabang team.

Kaya sisikapin ng Tornadoes na humugot ng puwersa sa mga nagbabalik nilang mga player na sina Maika Ortiz, Carmina Aganon at Jen Reyes upang makasabay sa ibang bigating teams sa 7th PSL 2019 Grand Prix na magbubukas sa Sabado sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Abante Hiring – IT dep

Naniniwala si Foton coach Aaron Velez na magiging bentahe ng kampo niya ang pagdating nang maaga ng kanilang reinforcements para madagdagan ang dalawang titulo sa season-opening conference na ito tapos maupo sa trono noong 2015 at 2016.

“We are fortunate enough that our imports are already here. We are just trying to maximize our chemistry as much as possible,” bulalas ni Velez.

Makikilatis agad ang Foton sa pagbubukas ng liga sa Sabado, Pebrero 17. Makakatapat nila ang United Volleyball Club sa alas-4:00 ng hapon.