Abante Tonite Interactive

Foton tukod sa Iran

By
5

Hindi na nakabawi ang Foton Pilipina­s mula sa malamyang umpisa, tuluyang tumukod sa Sarmayeh Bank ng Iran 25-18, 25-21, 12-25, 25-22 sa classification battle para sa 5th-8th pla­ces ng 2016 AVC Asian Women’s Club Championship kahapon sa Alont­e Sports Arena sa Biñan.

Maaga pa lang ay naligo na ng errors ang Tornadoes, sa third set lang nakapalag hanggang tuluyang itakbo ng Iranians ang panalo sa torneo na inorganisa ng Philippine Superliga, Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. at ng city government ng Binan sa pamumuno ni Congresswoman Len Alonte.

Sa ibang laro, kinubabawan ng Thon­tin Lienvietpost Bank ng Vietnam ang T. Grand ng Chinese Taipei 25-14, 25-15, 25-14 para harapin ang Ira­nians sa battle for 5th-6th ng tournament na suportado ng SMM Sport, Nike, Senoh, Asics, Mikasa, Foton, BMW, Rexona, PLDT, PSC at Price Waterhouse Cooper.

Bumaba sa battle for 7th-8th ang Foton, pinangunahan ng 18 points ni Lindsay Stalzer mula sa 16 kills, block at ace, may 11 hits si Jaja Santiago.

“I’m not disappointed on the whole thing. But I’m disappointed for failing to get the fifth place,” wika ni Tornadoes coach Fabio Menta, ginamit sina second stringers EJ Laure, Maika Ortiz at Angeli Araneta sa pivotal stretch ng match.