Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fournier mamaw vs Celtics

0 119

Tinapos ng pabandang 3-pointer sa buzzer ni RJ Barrett ang ahon mula 24-point deficit ng Knicks para agawan ng panalo ang dumayong Boston Celtics 108-105 sa 2021-22 NBA regular season game Huwebes ng gabi.

Nabuhay ang home crowd ng New York (19-20) sa Madison Square Garden nang mag-rally ang Knicks sa likod nina Evan Fournier at Julius Randle.

SM food to go Banner Ad

Tumapos si Fournier ng career-high 41 points, umayuda ng 22 si Randle. May 16 pa si Immanuel Quickley at 13 kay Barrett.

Umiskor ng 36 si Jayson Tatum sa Boston (18-21) huli ang panablang step-back jumper higit 1 second na lang sa orasan.

Mula sa timeout, binigay ng New York ang inbound pass kay Barrett na nakapag-dribble pa ng isa bago pinakawalan ang winner. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.