Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fox, Hield handang sumabay vs Lakers

0 223

Kabuhol ng Sacramento Kings ang Pelicans (28-36), at halos akbayan angTrail Blazers (29-37) sa Western Conference.

Nakikipaghabulan sa eighth spot ang Kings para bumalik sa playoffs. Babangga ang No. 8 sa top seed Lakers sa first round.

Sa season, 0-2 ang Sacramento sa Lakers. Dikitan ang unang laro, pero dinomina ng Lakers ang pangalawa nang magpakita sina Avery Bradley, Rajon Rondo, Kentavious Caldwell-Pope at Alex Caruso na naglista ng pinagsamang 50 points sa 129 ng LA.

Ang mga asignatura ng Sacramento sa Orlando: Spurs, Magic, Mavericks, Pelicans, Nets, Rockets, Pelicans ulit at Lakers.

Sa final 20 games bago natigil ang NBA noong March 11 dahil sa coronavirus, naipanalo ng Kings ang 13 games matapos kunin sina Kent Bazemore, Jabari Parker at Alex Len.

Sumasabay sina De’Aaron Forx at Buddy Hield sa Lakers.

Sakaling pumalaot sa playoffs, maaasahan pa ng Kings ang pagputok nina Harrison Barnes, Bogdan Bogdanovic at Nemanja Bjelica para itapat sa hukbo ni LeBron James. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.