Abante Tonite Interactive

‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ‘The General’s Daughter’, ‘di natitinag sa Top 10

366

ABS-CBN pa rin ang piling network ng mas nakararaming viewers sa bansa sa paghandog nito ng nakakaantig na mga kwentong may aral at makabuluhan na balita noong Pebrero matapos nitong magkamit ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Katulad noong Enero, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa listahan ng top ten most watched shows nationwide na pinapangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na nakakuha ng 42.3% dahil sa maganda at napapanahon nitong kuwento kahit na may bago itong kalabang programa.

Sinundan ito ng “TV Patrol” (31.3%) na naghatid ng mahahalagang balita. Samantala, hindi pa rin natitinag ang “World of Dance Philippines” (31.3%) bilang pinakapinapanood na weekend program sa bansa.

Patuloy ring tinatangkilik ang “The General’s Daughter” (30.6%), habang ang mga makabuluhan na episodes ng “Maalaala Mo Kaya” (25.1%) na kapupulutan ng aral ay tinutukan ng viewers.

Maraming viewers din ang kumakapit tuwing weekend sa episodes ng “Home Sweetie Home Walang Kapares” (22.9%) at “Wansapanataym” (22.7%) noong Pebrero, habang marami pa rin ang naaakit na viewers sa late night favorite show na “Halik” (22.3%). Samantala, unang beses naman pumasok sa top 10 ngayong 2019 ang “Rated K Handa Na Ba Kayo” (21.6%).

Nanguna rin ang ABS-CBN sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila kung saan nakakuha ito ng average audience share na 43%. Mas tinutukan din ang ABS-CBN sa Mega Manila kung saan nakakuha ito ng 36%. Pinanonood din ang Kapamil­ya network sa Total Luzon, kung saan nakapagrehistro ito ng average audience share na 40%, sa Total Visayas, kung saan nagkamit ito ng 55%, ; at sa Total Mindanao, kung saan nakakuha ito ng 55%.