Abante Tonite Interactive

‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ‘The Voice Kids’ nanguna sa ratings ng Dos

293

Mas tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang balita at nakakapukaw na mga palabas ng ABS-CBN matapos makakuha ito ng average audience share na 45%, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Nangunguna pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” (34.9%) na nagdiriwang ng ika-apat na taon sa telebisyon.

Ang hit reality singing TV competition na “The Voice Kids” (34.2%) naman ang nangunang TV show tuwing Sabado’t Linggo, habang ang action-drama na “The General’s Daughter” (32.2%) ay nanatiling isa sa pinakapinapanood na palabas ng mga Pilipino.

Kasama sa listahan ng most-watched shows noong Setyembre ay ang “Wansapanataym” (30.6%), “Parasite Island” (30.4%), “Maalaala Mo Kaya,” (29.2%), “TV Patrol” (27.6%), “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (25.8%), at “Rated K: Handa Na Ba Kayo?” (23.7%).