Abante Tonite
Mabilis sa Balita

France sinama sa Omicron travel ban

0 97

Isinama ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang France sa listahan ng mga bansang nasa travel ban o red list dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na mananatili sa red list ang nabanggit na bansa simula Disyembre 10 hanggang 15 ngayong taon.

Lahat ng mga pasaherong nanggaling sa France 14 na araw bago ang Disyembre 10 ay kinakailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine at sa ika-pitong araw ay isasalang sa RT-PCR test.

SM food to go Banner Ad

Hindi rin papapasukin sa alinmang pantalan sa bansa simula sa Disyembre 13 hanggang 15 ang mga pasaherong nagmula sa France 14 na araw bago dumating sa bansa kahit ano pa ang vaccination status ng mga ito.

Tanging mga Pilipinong kabilang sa repatriation at Bayanihan flights ang papayagang makapasok sa bansa subalit kinakailangang sumunod sa mga ipinatutupad na protocol para sa mga nasa red list na bansa. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.