Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Francine ‘inagaw’ si Seth kay Andrea

0 215

NI: ARCHIE LIAO

Trending na topic sa Twitter ang Franseth, ang love team na ipinu-push umano ng ilang kampo.

Ito ay ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa viral post, may mga paandar ding sila ang next tandem to watch.

Hirit pa ng mga nagrararah, dahil sa lakas ng kanilang tandem ay bet silang bigyan ng proyekto ng isang Kapamilya network executive.

Ito ay pagkatapos na mabalitang hihiwalay na si Francine sa love team partner nitong si Kyle Echarri .Tila iba na ang gustong tahakin ng young actor sa kanyang career.

Matatandaang nagsimula nang gumawa ng sari-sariling projects sina Kyle at Francine. Lumakas ang bulung-bulungan na mabubuwag na ang tambalang KyCine.

Dahil dito, may mga nang-uurot tuloy na mga faney na inagaw daw umano ni Francine si Seth kay Andrea.

Kasama rin sa trending topic ang “We Love You Andrea” at “Respect Gold Squad”. Parang isang pahiwatig ng pagko-console ng mga kafaneyan kay Blythe (Andrea) na nangangamoy na mawalan ng love team partner.

May mga mahaderang fan din na nagi-insist na dapat na igalang ang kapatiran ng Gold Squad.Wala sanang magaganap na exchange of partners.

Leave A Reply

Your email address will not be published.