Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Francine keber kay Andrea

0 243

Mainit-init pa rin ang isyu tungkol sa dalawang miyembro ng Gold Squad na sina Francine Diaz at Andrea Brillantes na nag-unfollow sa isa’t-isa.

Nagsimula ang silent feud nila nang kumalat sa social media ang post ng ina ni Francine na kapiling nila sa isang intimate family affair si Seth Fedelin, ang original loveteam partner ni Andrea.

Hindi raw nagustuhan ni Blythe (Andrea) ang nasabing viral post.

Feeling kasi niya, hindi inaalagaan ni Seth ang kanilang tandem kaya na- insecure ito kay Francine.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa rito, tila napraning rin ito sa reaksyon ng kafaneyan na pinalulutang na ‘inahas’ umano ni Francine ang partner sa kanya.

Ito ay kahit natsitsismis na split na umano sina Seth at Andrea . Wala ring seryosong nangyayari between Seth and Francine.

Dahil dito, unang in-unfollow ni Andrea si Francine na in return ay in-unfollow din ang una.

Sa kabila ng kontrobersya, ipinakita naman ni Francine na unbothered o hindi siya affected sa pag-unfollow o pag-block sa kanya ni Andrea.

Sa kanyang Instagram account, ipinost nito ang short video habang maganang kumakain at dedma lang sa isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.