Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Francine, Kyle tandem bet buwagin

0 115

Naging trending sa Twitter ang #freefrancinediaz. Panawagan ito ng mga fan ng aktres na palayain na siya sa tambalan nila ni Kyle Echarri, ang KyCine.

Hindi na raw nagugustuhan ng mga fan ang mga binibitawang salita ng young actor habang nasa loob ng PBB house.

Napansin daw ng mga fan ang sobrang pag-iyak ni Kyle nang ma-evict si Chie Filomeno last time. Sabi ng isang tagahanga, ” Support Francine alone. Hindi niya kailangan ng loveteam.

Hindi rin nagugustuhan ng mga KyCine fan ang sinasabi ni Kyle na for loveteam lamang naman talaga sila ni Francine.

Samantala, maraming fan ng KyCine ang nagpaalam sa fandom at nagsabing susuportahan na lamang daw nila ng solo si Francine.

Masakit man daw sa kanila pero ang simpatya at pagmamahal nila ay mas matimbang sa young actress. Ramdam daw nila na hindi pinapahalagahan ni Kyle ang kanilang tambalan.

Mga fan ni Echarri pumalag

Kung naging trending ang #freefrancinediaz, hindi rin nagpakabog ang mga fan at nagpa-trending din ng #bouncebackkyleecharri. Kasama rin kasi ang actor sa nomination ng matatanggal this week sa PBB.

Ang tweet na ito ay sagot din ng mga fan na kumakampi naman kay Kyle. Huwag naman daw kaagad iwan at husgahan si Kyle. Nakalimutan na raw ba ng mga fan ang sinabi ng young actor na si Francine ang una niyang sinabihan sa pagpasok niya sa bahay ni kuya. Nag- goodluck pa nga raw ito sa kaniya. May mga natitira pa rin daw KyCine na as of presstime ay trending din sa Twitter sa #37monthswithkycine.

Alonzo bumaba ang level

Pinagpistahan sa social media ang pagiging calendar girl ni Bea Alonzo sa isang liquor brand.

Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizen. Marami ang napa-wow sa kaseksihan at mala-dyosang ganda ng aktres.

Komento ng isa, “Bea is getting hotter as she gets older. Good for her.”

Sabi pa ng isa, ” Actually, she is prettier and sexier now kesa nung nasa 20s pa sya. Ang galing diba.”

Pero kung may napahanga, hindi rin naman mawawala ang mga hindi sang-ayon sa endorsement na ito ni Bea.

Komento ng isa, “Maganda pero parang bumaba naman level nya sa pagiging calendar girl. ”

Reaksyon pa ng isa, ” Sorry sa mga faney ni Bea. Mas hot & fierce pa din ‘yung kay Ivana & Barbie.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.