Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Francine maldita kay Andrea

0 524

Ang mga forever Kapamilya fan at supporter, walang duda na pakakatutukan ang paparating na primetime drama na “Huwag Kang Mangamba.”

May history na ang mga inspirational program na may tatak Dreamscape at Dos, kaya walang dudang papatok ito. Marami rin tiyak ang magiging mausisa dito ay dahil ang apat na sikat na Gen Z stars, sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin ang pangmalakasang bentahe.

Speaking of Blythe at Francine, tiyak magkakabugan ang dalawang dalaga sa aktingan. Bulag na ulila si Brillantes bilang Mari, at si Diaz naman ay rebel without a cause na teenager si Joy.

Hiniling ni Brillantes na sa kanya mapunta ang katauhan ni Mari dahil gusto nitong mapatunayan ang kanyang versatlility as an actress. Na hindi lang siya pang bida-kontrabida tulad ni Marga sa “Kadenang Ginto,” Inamin din ni Blythe na ang kinarir niya ay kung paano maging visually impaired. Sa bahay raw nila, pinipiringan niya ang kanyang mga mata habang, kumakain, naghuhugas ng pinggan, naglalakad sa paligid. Talk about commitment to your craft, huh!

Parang biglang marami ang makaka-miss sa kanyang bratinella at magandang-maganda talaga ako without any effort. Blush on lang at makapal na kilay, pak na pak.

Emotionally challenged naman si Diaz na maging si Joy. Tanggap niya na acting wise, pagsubok sa kanyang kakayahan ang maging isang pasaway na teen . Kahit pa nga mabining-mabini ito sa totoong buhay. Gustong-gusto niya at kinasahan talaga ang hamon na maging pretty young maldita.

Walang dudang may bagong rivals ang hindi magpapalugmok na ABS-CBN kina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Maymay Belle giyera patani kay Donny

Hindi ko kinakaya ang kagupuhan ni Donny Pangilinan, huh! Ang mga fan niya, nag volt in para gawing pangmalakasang trending topic ang kanyang pangalan na ilang oras namayagpag sa Twitter.

Ang dahilan kay naging hotter than hot ang kanyang ngalan, ang mga young miss na sina Maymay Entrata at Belle Mariano.

SM food to go Banner Ad

Siyempre, hindi niyo pwedeng i-the WHO si Bb. Entrata dahil maliban sa keribels niya talagang maging super model of the whole wide universe, bongga ang kanyang fan base at hindi niya talaga kailangan ang isang Edward Barber para sa kanyang karera. The fact na marami ang super pushing and pulling na hindi lang maging for reel, kundi for real ang pagsasama nila ni young master Pangilinan.

Ano nga kaya ang nararamdaman ni Donny sa kaganapang ito? Literal na inirereto sa kanya ang dalawang dalagang hindi puwedeng isnabin ang ganda at rikit. Iyang guwapo problems ni young master Pangilinan ang happy problem .Tiyak, maraming millennial young boys and men ang magwi-wish na sana ganun din ang hinaharap nila sa kasalukuyan.

Kaya my dear TONITE readers, kanino kayo sa MayDon o sa DonBelle? Spin a win!

Ayuda Babes biktima ng pamimirata

Marami pang nanginig ang laman at talagang naglundugan sa inis ang mga puso matapos mabalitaan na ang pelikulang “Ayuda Babes” ay may pirated version na.

Pahayag nga ni direk Joven Tan sa kanyang Facebook page: “Akala ko AYUDA lang ang ninakaw, pati AYUDA BABES pala. Kapal ng mga mukha ng mga pirata!”

Nakakalungkot at nakakababahala na talaga ang problema tungkol sa film piracy. Malaki o maliit na film production outfit ay talagang nagiging biktima.

Ang film piracy ba, hindi sakop ng Anti-Cyber Crime Law? Kung kasama ito sa nasabing batas, asan ang pangil nito at bakit tila hindi pinapatupad? Ano na ang nangyayari pagkatapos umatungal ng mga producer sa social media, magpadala ng formal complaints sa NBI and Optical Media Board?

Sangrekwa na ang panawagan na film piracy is a crime, may mga tanggapan ng gobiyerno na inilaan at may mandato na supilin at mapahinto ang pangmalakasang film piracy.

Ang nakakapagtaka talaga at tunay na nakahihibang ngayong ang “Ayuda Babes” ang bagong biktima nito. Bakit sa halip na ito ay mahinto, mas lalong nagiging walanghiya, tumatapang at lantaran ang mga pirata ?

Leave A Reply

Your email address will not be published.