Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Francine nangutang ng pamasahe

0 157

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo, naging panauhin si Francine Diaz, ang ka-loveteam ni Kyle Echarri sa Gold Squad.

Sa nasabing channel, sinariwa ni Francine ang hirap niya na pinagdaanan niya bago matupad ang kanyang pangarap na maging artista.

Aniya, noong bata raw siya, ang talagang gusto niya ay maging teacher o kayaý astronaut.

“Nung una gusto ko maging teacher, maging astronaut, tapos habang tumatagal, nung nagiging mature na ako sabi ko kailangan yung malaki ang sahod ko kasi gusto ko ng malaking bahay, gusto ko ng madaming kotse, gusto ko ng maraming Barbie,” ani Francine.

Pero dahil nga, gusto niyang maiahon ang pamilya sa kahirapan, sa pag-aartista siya nasadlak.

“Umaarte ako sa harap ng salamin tapos nag-vi-VTR ako sa commercial,” pagbabalik-tanaw niya.

Noong naka-penetrate raw siya sa commercials, doon na niya naisip na ituloy ito sa pag-aartista.

“Nung nag-start ako magkaroon ng mga commercial, dun ko naisip na gusto ko maging artista. Yung totoong artista talaga na may teleserye ako or may movie. Dun na nag-start,”pagbabahagi niya.

Dagdag pa niya, noong una raw ay tutol ang kanyang mom na payagan siyang mag-artista .Pero siya raw itong nag-pursige at kumumbinsi sa kanyang ina.

Hindi rin daw biro ang dinaanang niyang ‘struggles’noong nagsisimula pa siya. Para lang makapag-audition sa mga commercial ay kailangan nilang manghiram ng pera sa mga kakilala.

“Nung una sa commercial parati kami nangungutang ng pamasahe para makapag-VTR ako,”sey niya.

Hirit pa niya, iginapang daw talaga niya ang kanyang pag-aartista.

At least ngayon daw, nalalasap na niya ang bunga ng lahat ng kanyang pinaghirapan.

Nakabili na rin daw siya ng bahay at kotse para sa kanyang pamilya.

Xian bossing ang dyowa

Sa pinakabagong entry sa kanyang vlog, ipinakita ni Xian Lim kung paano siya natulungan ng girlfriend na si Kim Chiu. Ito’y sa kanyang desisyon sa pagbili ng bet niyang motorbike.

Sa display area ng isang motorbike dealer, nahirapan siyang mamili sa klase ng motorsiklong kanyang bibilhin.

Katunayan, inabot siya ng tatlong oras na come up with the model and color of motorbike na iuuwi.

Humingi rin siya ng advice sa motorbike dealer kung anong kulay ang swak sa kanya.

Sey ng dealer, mas bet daw niya ang white dahil kapag dark color daw ang pinili niya, ito raw iyong mga klaseng prone to accidents dahil hindi agad nakikita.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Dahil hindi rin kumbinsido, tinawagan pa niya ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee.

Nagpaunlak naman ang mag-asawa at talagang sinadya pa nila si Xian sa nasabing motor dealer shop.

Payo naman ni Boyet, kung siya ang papipiliin ay iyong kulay itim daw ang bet.

Bukod kasi sa rugged na tingnan, nakakadagdag daw ito ng machismo sa rider.

Sa dakong huli, tinawagan ni Xian sa cellphone si Kim.

Aniya, kailangan pa raw niyang hingin ang opinyon ng kanyang ‘bossing’ na si Kim.

“White” naman ang choice ng nobya, so ito na ang kulay na kanyang pinili.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang pagsangguni ni Xian sa kanyang love team partner.

Anila, parang mag-asawa na raw ang dalawa dahil pati sa pagbili ng motorsiklo ay kinukunsulta ni Xian ang gf.

Marami ring kinilig sa pagtawag ni Xian na “boss” kay Kim.

Jodi, Carla,Sanya pukpukan ang laban

Pukpukan ang laban nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sanya Lopez, Carla Abellana, Rhian Ramos at Coney Reyes dahil magtutunggali ang mga teleserye nila sa 2021 Seoul International Drama Awards.

Sa taong ito, entry ng ABS-CBN ang revenge drama na Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Samantala, dalawang drama series naman ng GMA Network ang nakapasok sa naturang award-giving body.

Ito ay ang First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, at ang family drama na Love of My Life nina Carla Abellana, Mikael Daez, Rhian Ramos, at Ms. Coney Reyes.

Pasok naman ang tatlong mini-series ng drama anthology na I Can See You ng GMA-7.

Kabilang sa opisyal na kalahok ang Love on the Balcony nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, The Promise nina Paolo Contis, Andrea Torres, at Benjamin Alves, at ang Truly. Madly. Deeply nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos.

Matatandaang noong nakaraang taon ay kinilala ang Philippine adaptation ng Descendants of the Sun bilang isa sa Most Popular Foreign Drama of the Year.

Nagwagi naman si Dingdong Dantes ng Asian Star Prize trophy para sa kanyang role sa nasabing teleserye.

Ang official nominees at winners ay iaanunsyo ngayong Setyembre sa Seoul, Korea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.