Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Francine natuklasan ang malagim na lihim

0 58

NI: ROLDAN CASTRO

Pagkatapos ipalabas sa Bucheon International Fantastic Film Festival sa South Korea, magpapakilabot na rin sa buong mundo ang kwento tungkol sa tatlong batang magnanakaw sa suspense thriller na “Tenement 66” ngayong Hulyo 23 sa online platform.

Isang malagim na lihim ang matutuklasan ng tatlong teenagers na sina Francis Magundayao, Noel Comia Jr., at Francine Diaz sa “Tenement 66” ng award-winning direktor na si Rae Red.

Ang “Tenement 66” ay isang iWantTFC original movie sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at Epic Media. Tampok din sa pelikula sina Jess Mendoza, Topper Fabregas, Raffy Tejada, Martha Comia, at Ross Pesigan.

Mapapanood ito sa iWantTFC, KTX.ph, at TFC IPTV. Magiging available din ito sa Pilipinas sa SKY Pay-Per-View at Cignal Cable Pay-Per-View.

Leave A Reply

Your email address will not be published.