Abante Tonite Interactive

Francine walang pinagsisihan sa ‘putol-ari’

463

Positive ang pananaw sa buhay ng 2013 Super Sireyna winner ng “Eat Bulaga” na si Francine Garcia. Kabilang sa mga look-alike ni Francine sina Iya Villania, Kim Chiu at Liza Soberano.

Right after Super Sireyna ay lumabas siya sa “Villa Quintana” at iba pang TV shows. Sa pelikula naman ay napanood si Francine sa “Quick Change”, “That Thing Called Tanga Na”, “Echorsis” at “Born Beautiful”.

Naging guest namin sa Abante Tonite online show na “Tambayan ng Tsika” with Roldan Castro last week sina Francine, Zara Lopez, at Mojak na ipino-promote ang latest single niyang “Gusto Mo Pero, Ayaw Ko” na isang reggae.

Dito’y aminado si Francine na siya’y operada o sumailalim sa sex change, pero no regrets siya sa pag-convert ng kanyang kargadang hotdog to monay.

Sambit niya, “Yes, since 2011, June 6, 2011 to be exact.”

“Masarap, happy, fulfilling…” dagdag pa niya.

Idiniin pa niyang walang pinagsisihan sa ginawang pagpapa-opera. “Wala po, kasi hindi ko naman siya ginawa for sexual pleasures or anybody else, I just did it for me, for myself… para naman… girl… kasi iyon talaga eversince,” esplika pa niya.

Pasintabi ha, totoo ba na kapag hindi nagagamit iyon, nagsasara raw ang butas? “So eto na nga, problema na nila ‘yon… it’s not my problem! Hahahaha!” wika pa niya.

Kasi may pumapasok? “Hmmm, bahala ka diyan!” nakatawang sambit pa ni Francine.

Straight guy ba ang hanap niya? “Yes tito, kasi I’m living myself as a girl, I consider myself a woman.”

Sino ang sexiest local actor para sa kanya? “Sina James Reid and Enrique Gil, unexplainable, eh. More on, sila ‘yung kapag nakikita ko ay parang dream guy para sa akin.”

Sino ang hinahangaan niyang Pinoy gay icon, why? “Meme Vice (Ganda), not just because he uplifted LGBT on TV but he remained humble and happy na naaalala niya ako kapag may mga paganap siya, private or publicly.”

Happy and fulfilled ba siya sa kanyang sex life? “Super! Sabog na sabog! Hahahaha!” sagot pa ni Francine.

Nang first time na nagamit niya ang kanyang flower, sobrang sakit daw ang naranasan ni Francine. “Masakit…, yes, virgin! Pasintabi lamang po ha, parang pagkapasok, I said, ‘Stop. Wait lang, wait lang.’ Tapos ganoon. Tapos the next day, parang pum, pum, pum… ayaw ko na. Tapos noong third, okay na, perfect! Yes! Happy!”

‘Yung sexual satisfaction na nararamdaman ng babae, nararamdaman din ba niya?

Sagot ni Francine, “That I could not say, kasi hindi ko naman alam ‘yung feeling nila. But the sexual satisfaction that I was feeling before ako nagpatanggal, came back after mga six months to one year.”

So, nag-e-enjoy pa rin siya nang husto sa kanyang sex life? “Yes, exactly! Hindi lang ang partner ko. Yes, the G-spot is there!” Saad pa niya na nabanggit pa na iba-ibang proseso ang pagpapa-sex change at mas modern na raw ang ganitong bagay ngayon kumpara noong mga nagdaang taon. (Nonie Nicasio)