Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Franco ‘di kinalawang

0 166

NI: ROLDAN CASTRO

Buong ningning na sinabi ni Direk Danny Marquez na challenging ang role ni Franco Miguel sa pelikulang “Balangiga 1901”.

Mata lang daw ang pagagalawin nito sa pag-arte. Kailangan daw ng matinding emosyon habang wala pang giyera sa mga Amerikano. Nagtimpi muna siya sa mga kalaban kahit gigil na siya.

Matinding suntukan at bakbakan ang haharapin ni Franco sa shooting.

Ang comeback movie talaga ni Franco ay ‘yung ‘Parola’ na inabot ng lockdown kaya di naipalabas sa sinehan. Pero mas mapaghamon ang papel niya dito sa Balangiga 1901’ na pagbibidahan nina Ejay Falcon at Jason Abalos.

Mas excited si Franco sa pelikulang na ito dahil kasama siya sa cast ng historical movie . Ito rin ang pangalawang proyekto na gumawa siya ng true to life story.

“Hindi pa naman ako kinalawang Tito Roldan,” sambit niya dahil napahinga siya sa shooting bunga ng pandemic.

Naghahanda na siya ngayon sa shooting ng ‘Balangiga 1901’

“ For sure, magsisimula na akong mag-exercise at mag-workout.Malaking tulong din ‘yung nakatapos ako ng Taekwando para sa magiging hand to hand combat namin ng mga Amerkano sa movie,” sambit pa ni Franco.

Balak nilang isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Summer kung matatapos agad ang pelikula.

Napanood noon si Franco Miguel sa pelikulang ‘Mapupulang Rosas,’ ‘Nena Inosente,’ ‘Apoy sa Dibdib ng Samar.’ Gumanap din siyang kapatid ni Cesar Montano sa “Kadre”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.