Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Franco lagare sa historical movie

0 102

NI: ROLDAN CASTRO

Mabenta talaga si Franco Miguel sa mga historical movie.

“Napaganda naman ang nangyari. At least, nagiging part tayo ng isang instrument para mag-inform sa new generation kung ano ang nangyari at mangyayari pa sa ating bansa,” sambit niya.

Habang nagso-shoot ng “Balangiga 1901” ay sisimulan na rin niya ang pelikulang “The Maharlikans”. Ito ay prodyus ni Dr. Shariff Ibrahim Albani ng JF Film Productions .

Happy ang aktor dahil nakita niya ang pagkakaisa ng mga Kristiyano at Islam sa naganap na story conference at mediacon.

Sa simula ng event ay magkasunod na dasal ang

SM SuperKidsDay Banner Ad

isinagawa . Isa para sa mga Muslim at isa naman sa mga Christians.

“This nice gesture is one good sign that the movie ‘The Maharlikans’ will speak on unity, peace and love,” deklara ni Franco.

Tinanong si Franco kung pabor ba siya na palitan ng Maharlika ang bansang Pilipinas?

“Nakagisnan ko na ang pangalang Pilipinas bilang ating bansa kaya no comment tayo diyan,” pakli niya.

Samantala, isa sa napipisil si Cesar Montano na maging bida ng The Maharlikans pero wala pang confirmation.

Nasa stoycon din ng “The Maharlikans” sina Jeffrey Santos,Paolo Serrano, Andrew Schimmer, Rob Sy, Jay-L Dizon, Johannes Rissler, Samantha Marquez, Onyok Velasco, Alma Soriano .Ito ay sa panulat at direksyon ni Danny Marquez katuwang si Jun Posadas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.