Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frankie, Bianca nag-sorry sa ‘rape’ tweet

0 206

NI: VINIA VIVAR

Magkasunod na nag-apologize sa kani-kanilang Twitter account sina Bianca Gonzalez at Frankie Pangilinan dahil sa kanilang tweet regarding the death of flight attendant, Christine Dacera.

Sa kanyang tweet, umamin si Bianca na isa siya sa nag-post at ginamit ang salitang ‘rape.’

“I am one of those who posted using the term “rape” and the hashtag justice because the authorities said it was rape. I feel ashamed but also so confused with the conflicting reports. The call for justice remains, but justice to find the truth for both Christine and the accused.

“My sympathies go out to Christine Dacera’s family and friends, to everyone who might have been falsely accused in the news, what a nightmare this must be. I sincerely apologize for my tweet that added to the noise that it was “rape.” Sana lumabas ang katotohanan,” ang tweet ni Bianca.

May nagkomento na dapat daw ay tsine-check muna nito ang facts at sumagot naman si Bianca ng “for sure. Agree 100%. But isn’t it so sad/frustrating/confusing na ang “official” statement ay hindi pala totoo?”

Si Kakie na nag-tweet din tungkol sa diumano’y panggagahasa at pagpatay kay Christine ay kumambyo na rin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Before i sleep i’d just like to reiterate how absolutely sorry i am for helping to spread misinformation :(( the authorities’ statements were misleading and confusing (and still are) so i hope you can understand. regardless, rape will never be okay, though.

“It’s really eating me up guys i read through articles before tweeting but i should have waited knowing how the authorities function nowadays it’s sick and sad i’m really really sorry.

“I got caught up in the outrage, i promise i’ll do better. i’ve deleted all of the misleading tweets but i stand by everything i said re: respecting girls, and i hope christine still gets the justice she deserves. it’s still a heartbreaking and gut-wrenching way to start the year.

“I’m just really sorry,” ang sunod-sunod na tweets ni Frankie.

Matatandaang sa unang imbestigasyon ng pulisya ay lumalabas na rape-slay ang posibleng nangyari kay Christine at naging suspects ang 11 lalaking nakasama nito sa New Year’s Eve party noong Dec. 31.

Ngunit sa autopsy na isinagawa ay lumabas namang ruptured aortic aneurysm ang naging sanhi ng kamatay ng 23 anyos na flight attendant.

Tatlo sa mga inarestong suspects ay pinakawalan na ng mga pulis dahil wala pang sapat na ebidensiya. Kasalukuyan pa ring nagkakaroon ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.