Abante Tonite Interactive

Frankie, mega-kilig kay Alden

By
Frankie Pangilinan at Alden Richards
6

MUKHANG sa showbiz din ang bagsak ang 15-year-old daughter nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Simone Francesca Emmanuelle ‘Frankie’ Pa­ngilinan.

Nu’ng Sabado ay nag-guest si Frankie sa Eat Bulaga at kinanta ng dalagita ang classic hit ng mommy niya na Mr. DJ.

Halatang ninenerbyos si Frankie sa kanyang guesting na umawit siya nang live habang tumutugtog ng gitara, pero kita mong enjoy siya sa ginagawa niya.

May sariling sound si Kakie (tawag ng family niya kay Frankie) na iba sa tunog ni Sharon.

Nagkaroon ng indie feels ang Mr. DJ dahil hindi tina-try gayahin ni Frankie ang boses ng mommy niya, which is good.

Si Sen. Kiko na aminadong stage father ay pinost sa social media ang video ng guesting na ‘yon ni Frankie at ang caption niya, “Kakie singing Sharon’s first hit. The nostalgia and surprise when our children bring us back to our favorite songs and the times when we sang it.”

Ni-share rin ‘yon ni Shawie sa FB at ang sabi niya, “Oh, my very nervous not-so-little darling anymore, Frankie!

“Good job, my baby! We are so proud of you. I love you so much! Thank you to all who watched her on Eat ­Bulaga today.”

The day before ay nag-plugging si Mega sa social media ng nasabing EB guesting ni Frankie, na kinuhang judge sa ‘Music Hero’ contest at para kumanta sa show.

Ang sabi ni Frankie sa FB Live session nila ni Ryzza Mae Dizon bago siya sumalang sa stage, tumutugtog siya ng drums, guitar at piano.

Mahilig daw talaga siyang kumanta gaya ng mom niya at ng kanyang Ate KC Concepcion.

Grade 10 si Frankie, na bale 2nd year high school doon sa school na pinapasukan niya. Panay ang Snapchat niya habang nasa backstage.

May tweet siya na kunwari lang siyang chill, pero kinakabahan siya nang sobra. Equally nervous and excited.

Meron din siyang tweet na, “I’m so starstruck my heart,” at saka, “So kilig HAHAHA,” na mukhang kay Alden Richards siya kinilig may Snap pic siya with Alden na nilagyan niya ng shy monkey at heart emoji.

Tinweet din ni Frankie ang pic nilang ‘yon ni Tisoy.

“AlDub for life, yas?? So happy OMG,” sey niya sa isa pa niyang tweet.

Nang may mag-tweet sa kanya na sayang at wala si Maine Mendoza (na nasa Amerika), sinagot niya ito ng, “I love her so much!!!”

After her guesting ay nag-tweet si Frankie ng, “Thank you very much. Maraming maraming salamat po for having me!!! It was so great to meet you!!” para kina Alden, Ryzza Mae at sa Eat Bulaga.

Ang kanyang very supportive na Ate KC ay sobrang natuwa rin sa guesting na ‘yon ni Frankie. Tinutukan ‘yon ni KC at pinost sa Snapchat.