Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Franz Pumaren namigay ayuda, sablay sa protocol

0 260

Pinagpapaliwanag ni Mayor Joy Belmonte si Quezon City Councilor Franz Pumaren matapos ang nakitang paglabag uano nito sa health protocol sa ginawang pamamahagi ng ayuda sa Brgy. Old Balara noong Martes ng hapon.

Pinadalhan na ng alkalde si Pumaren ng show cause order at pinagsusumite ng kanyang paliwanag.

Inatasan na rin ni Belmonte ang City Legal Office na pag-aralan ang mga ginawa ng konsehal kung anong kaso ang maaaring maisampa dito.

SM food to go Banner Ad

Giit ng ng alkalde, hindi dapat binabalewala ang mga ganitong gawain lalo pa at opisyal ng pamahalaan si Pumaren.

Nagsasagawa na rin ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng COVID-19 test sa mga indibidwal na dumagsa sa pamamahagi ng ayuda.

Noong Martes, nag-viral sa social media ang pamamahagi ng ayuda ni Pumaren sa Brgy. Old Balara kung saan nakita doon na hindi nasunod ang health protocol tulad ng face mask at physical distancing. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.