Abante Tonite Interactive

Fraud audit ng COA kontra kandidato suspendido

By
0 123

Sinuspende na ng Commission on Audit (COA) ang pagbuo ng Fraud and Special Audit Teams gayundin ang pagsasagawa ng fraud and special audits simula noong nakaraang buwan bago ang campaign period para sa 2019 midterm elections.

Base ito sa ­Resolution No. 2018-031 na nilagdaan noong Oktubre 2 nina COA chairman Michael G. Aguinaldo at Commissioners Jose A. Fabia at Roland C. Pondoc.

Ang suspension ay epektibo sa loob ng 7-buwan mula Oktubre 11, 2018 hanggang Mayo 13, 2019.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa COA, ang hakbang na ito ay kailangan upang ilayo at hindi mabahiran ang komisyon at auditors nito ng politika.

“The Commission receives voluminous complaints and/requests for special/fraud audit against candidates in the national and local elections, including nomi­nees of party-list groups. It is necessary for the Commission on Audit, as an independent constitutional body, to uphold its political neutrality,” ayon sa COA.

Ayon pa COA, lahat ng requests para sa fraud o special audits na pumasok noong araw ng filing of certificates of candidacy laban sa local at national candidates sa 2019 elections kabilang ang nominees na isinumite ng party-list groups ay hindi na aaksiyunan.