Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frayna buhay pa sa World Cup

0 31

NANANATILING buhay ang tsansa ni Pinay WGM Janelle Mae Frayna sa kanyang kampanya sa FIDE Women’s World Cup 2021 campaign na ginaganap sa Sochi, Russia.

Nakapuwersa ng tiebreak game si 24-year-old Frayna matapos kalusin si Hungarian rival Hoang Tranh Trang sa 41 moves ng Dutch Defense kahapon.

Sinamantala ni Frayna, tubong Legaspi, Albay, ang opening blunder ni 41-year-old Hoang para masilo nito ang reyna ng kalaban at makuha ang panalo.

Tabla ang serye sa 1-1, matapos matalo si Frayna sa unang laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Honestly, in round one, I was really mad at myself for spoiling an equal endgame. I thought I could create a breakthrough in the pawn ending,” saad ni Frayna sa kanyang Facebook account.

“That was the main reason I played the losing move (bishop’s knight capture),”

Maglalaban sina Frayna at Hoang ng dalawang tiebreaker games gamit ang time control na 25 minutes at 10-second increment per move.

Ang mananalo sa pagitan nina Frayna at Hoang ay sasampa sa second round kontra Russian Alisa Galliamova. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.