Abante Tonite Interactive

Frayna, Gomez handa nang mangaldag

By
0 22

Handa ng sumulong ng piyesa sina WGM Janelle Frayna at John Paul Gomez sa 17th Asian Continental Chess Championship-2nd Manny Pacquiao Cup sa darating na  December 10-20, 2018 sa Tiara Hotel sa Makati City.

Bukod kina Chess Olympiad veterans, Frayna at Gomez, sasabak din sa nine-round swiss system tournament si GM Joey Antonio.

Pangalawang hosting ng Pilipinas ang qualifying event para sa World Cup, una noong 2013, sina GMs Mark Paragua at Oliver Barbosa ang pinalad na makapasok.

Ayon kay Project at Tournament Director GM Jayson Gonzales, tinatayang 126 players mula sa 16 Asian countries ang lalahok kasama ang powerhouse China, India at Vietnam.

“This is one of the biggest tournaments to be held in the country being organized by the NCFP, since this will give Filipino chess players another venue to showcase their skills and at the same time earn norms for Fide, IM and GM titles since the tournament offers twice the number of norms in but a single tournament,” pahayag ni Gonzales.

Si Gonzales ang humubog kay Frayna para maging unang Pinay WGM.