Abante Tonite Interactive

Frayna, Gomez, Laylo atbp. pipiga sa 17th Asian Chess

By
0 60

Bakbakan ang 16 na bansa kasama ang mga top Grandmasters mula sa China, India at Iran sa magaganap na 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) sa darating na Disyembre 9-19 sa Tiara Hotel sa Makati City.
Masisilayan sina GMs Wang Hao (2730), Wei Yi (2728) at Ni Hua (2683) na mga pambato ng China, GM Parham Maghsoodloo (2689) ng Iran at GM Baskaran Adhiban (2682) at GM S. P. Sethuraman (2664) ng India, makakaharap nila ang mga tigasing woodpushers ng Pilipinas.

Inaasahang kasali sa nasabing event na suportado ni Sen. Manny Pacquiao at Philippine Sports Commission sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez si WGM Janelle Frayna, sasalang siya sa women’s division.

Posibleng makalaban ni Frayna sina Chinese WGM Guo Qi na nag-uwi ng silver sa team at individual event sa 2014 World Chess Olympiad sa Tromso, Norway, WGM Wang Jue (2367) ng China at Indian WGM Padmini Rout (2341).

Abante Hiring – IT dep

Sasabak naman sina Pinoy GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Joey Antonio, IMs Jan Emmanuel Garcia, Haridas Pascua, Marvin Miciano, Paolo Bersamina at ASEAN seniors chess champion International Master Chito Garma.

Ang nasabing event ay may basbas ni National Chess Federation of the Philippines President Butch Pichay.

Mabibiyayaan agad ng GM title at norms ang magkakampeon sa nasabing event kasama ang US$10,000 na premyo sa men’s habang US$6,000 ang sa women’s.

Sisikwat ng slot sa World Chess Cup 2019 sa Nov. 4-30 sa Khanty-Mansyisk, Russia ang top five finishers.
Abante naman agad sa Women’s World Cup ang magkakampeon sa distaff side.