Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frayna kapit-tuko sa tuktok

0 163

Kinumpleto ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang third straight win kontra Woman National Master Rinoa Mariel Sadey sa 28-move French Defence upang makikip ang solong liderato makaraan ang nine rounds ng 2021 Philippine National Women’s Chess Championship sa PACE, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

May 7.0 points na ang 24-year-old top-seeded Army woman mula sa Bicol, isang buong puntos ang agwat sa mga bumubuntot na sina 10th seeded Woman International Master Kylen Joy Mordido, fifth seeded Women Fide Master Shania Mae Mendoza at fourth seeded WIM Jan Jodilyn Fronda.

Pinisak ni Mordido si 11th seeded WFM Allaney Jia Doroy sa 45 tira ng King’s Indian Opening; pinadapa ni Mendoza si 12th seeded WIM Bernadette Galas sa Sicilian Rossolimo game at nakipag-draw si Fronda kay sixth seeded WNM Ruelle Canino sa 65 tulakan ng London Opening.

SM food to go Banner Ad

Naghihintay sa magrereyna ang P50K cash at puwesto sa national team na titirada sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa May 2022.

Suportado ang patimpalak nina Philippine Sports Commision Chairman Butch Ramirez, Chess Movement, Inc. chair Dr. Ariel Potot, Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma, Endgame Sports founder Atty. Cris Aspiras, Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, National Chess Federation of the Philippines president Propsero Pichay Jr. at Atty. Roel Canobas. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.