Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frayna, ‘Pinas mintis sa Last 8

0 129

Sumablay ang Team Agila ng Pilipinas sa quarterfinals ng FIDE (International Chess Federation) Online Chess Olympiad 2020 nang makapagposte lang ng 10.0 points para sa panlimang puwesto sa pagtiklop kagabi ng Division 2 Pool A preliminaties.

Ito’y sa kabila na nagtala ng 2-1 win-loss record ang Nationals sa round seven, eight at nine. Nasipa ang mga Pinoy nang matalo agad kontra Bulgaria, 1.5-4.5 kahit tinumba pagkaraan ang Bangladesh, 4.5-1.5, at Turkmenistan, 4.5-1.5.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglaro para sa ‘Pinas na mga nanalo sa last three matches sina Grandmaster Mark Paragua, Woman GM Janelle Mae Frayna, International Master Daniel Quizon, Jerlyn Mae San Diego, at WIMs Bernadette Galas at Kylen Joy Mordido.

Ang Bulgarians (18.0 pts.), Germany (15.0) at Indonesia (12.) ang top 3 winners (15.0) at Indonesia (12.0) at umusad sa quarters. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.