Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frayna reresbak vs Hoang

0 67

Paghihimagsik ang sigaw ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kontra Hungarian-Vietnamese International GM Hoang Thanh Trang sa pagbubukas ng 9th International Chess Federation World Cup 2021 women’s section sa Galaxy Entertainment And Leisure Complex sa Sochi, Russia Lunes ng hapon (gabi sa Maynila).

Balewala sa 88th seeded at 24-year Pinay woodpusher ang pagkadehado sa No. 42 seed rival, na ang nasa kukote lang ay magantihan ang dumaig sa kanya sa 2018 Batumi World Chess Olympiad.

Sabak na rin sina sa open section sina International Masters No. 167 Paulo Bersamina, 192nd Daniel Quizon at No. 196 Michael Concio sa torneo na simula ng elimination series para malaman ang challengers nina men’s reigning world champion Norwegian super GM Magnus Carlsen, at female counterpart Chinese Ju Wenjun.

Masusukat si Bersamina kay No. 90 Indian prodigy GM Rameshbabu Praggnanandhaa, 15, na minsang pinisak na niya; si Quizon kay No. 65 Canadian-Russian veteran GM Evgeny Bareev; at si Concio ay kay No. 61 Indian GM Aravindh Chitambaram. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.