Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frayna, Team ‘Pinas nanalasa sa Olympiad

0 34

Sa pangunguna ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, nanalanta ang Team Pilipinas ng limang panalo at isang talo upang maangas na sumegunda tapos ng sixth round ng 2021 FIDE (World Chess Federation) Online Olympiad Division 2 Pool A Biyernes ng gabi.

Unang pinagpipisak ng sixth seeded PH woodpushers Huwebes ang 10th seeded Chinese Taipei 4.5-1.5, third seded Australia 4-2, at seventh seeded Lebanon 5-1.

Sa Day 2 naman ang fifth seeded Singapore 4-2, saka natapilok laban sa second seeded Indonesia 1.5-4.5. Pero bumawi kontra eight seeded Ireland, 5-1.

Patungo sa last two round ngayong Sabado laban sa ninth seeded Kyrgyzstan at top seeded China, may 10.0 match points na ang ‘Pinas, isang puntos lang iwan sa lider na Indonesians na may 11.0. Kasunod ang Chinese na may 9.0.

Dalawang puntos ang bawat panalo, isang puntos sa tabla at bokya sa talo.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.