Abante Tonite Interactive

Free Wi-Fi station itatayo 50 lugar sa ‘Pinas

197

Magbubukas ang technology company na Google ng mga istasyon nito na magbibi­gay ng libreng Wi-Fi sa limampung lugar sa Pilipinas.

Ianunsyo ito ni Mahesh Bhalerao, Global­ Director ng Google Next Billion Users Partnerships sa isinagawang Google for Philippines Forum sa Parañaque City.

“Google Stations allow Filipinos from Luzon, Visayas and Mindanao to connect with high quality internet,” ani Bhalerao.

Ilalagay umano ang Google station sa mga pampublikong lugar kabilang ang ilang unibersidad, paliparan, mall at bus station, bago matapos ang Pebrero.

Ilan sa mga target lagyan ng libreng Wi-Fi connection ang mga istasyon ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit, Araneta Bus Port, Cebu South Bus Terminal, Clark International Airport, Batangas Port, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Bohol Island State University.

Bukod sa Pilipinas, nakapagtayo na ng Google stations sa India, Mexico, Thailand at Nigeria.